Language: Tagalog
ANG LIHAM
NI
Dr. JOSE RIZAL
SA MGA
KADALAGAHAN
SA MALOLOS, BULAKAN
Febrero, 1889
Epistorario Rizalino
Vol.II p.122
Europa
Pebrero 1889
SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:
Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang
pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang
sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg
dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang
sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis na
loob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal;
ñgunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at
pagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua
(tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabis
na kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki'y mga lantang
halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bañgo,
ma